Huli sa CCTV ang pagnanakaw ng dalawang empleyado ng isang warehouse sa Barangay Bari, Mangaldan.
Nakuhanan mismo ang pagtangay ng mga suspek sa isang box ng mouthwash na nagkakahalaga ng P1,932.30
Ayon sa report, nadiskubre ng checker bandang ala-1 ng hapon ang pagnanakaw sa nasabing warehouse matapos mapansing may ilang nawawala.
Dahil dito, agad na tinugis ng pulisya ang dalawang empleyado na galing pang La Union at nakumpiska sa loob ng delivery truck ang mga tinangay na gamit.
Kasalukuyang nasa himpilan ng Mangaldan MPS ang mga suspek para sa tamang disposisyon.
Facebook Comments









