Pagnenegosyo ng mga Chinese sa 3 isla sa Luzon, hindi papahintulutan kung banta sa seguridad

Tiniyak ng Malacañan na hindi papayagan ng Pilipinas ang pamumuhunan ng mga Chinese sa tatlong strategic islands ng bansa.

Ito ay ang mga isla ng Fuga sa Cagayan at mga isla ng Grande at Chiquita sa Subic Bay, Zambales.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo – haharangin ang pagnenegosyo ng Chinese investors sa mga nabanggit na isla kung ito ay banta sa ating seguridad.


Hindi sila mag-aatubili na ibasura ang panukala ng Chinese investors lalo na kung sasabihin o irerekomenda ni Defense Secretary Delfin Lorenza na mapanganib para sa bansa ang mga proyekto.

Facebook Comments