MANILA – Nagpahayag ng pagkabahala si Senador Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. sa pagnipis ng power supply sa bansa at hinimok nya na ang mga energy official na siguruduhin na walang brownout sa araw ng halalan sa May 9 dahil kung mangyayari ito aniya ay magkakaroon ng duda ang mga tao sa resulta ng eleksyon.diin ni Marcos, hindi mapapatawad ng sambayanang Pilipino ang gobyerno kung magkakaroon ng malawakang brownout sa araw ng halalan.ang pahayag ay ginawa ni Marcos matapos ilagay sa red alert status ang Luzon grid sa loob ng halos tatlong oras nitong nagdaang Biyernes dahil sa kakulangan ng suplay ng kuryente.Magugunitang sinabi ng mga opisyal ng gobyerno na inilagay sa red alert ang Luzon grid dahil sa pagsipa ng demand dulot ng sobrang init at pati na rin dahil sa naka-planong shutdown ng ilang planta, kakulangan ng capacity ng ilan, at hindi inaasahang pagbagsak ng ilan pang planta ng kuryente.Ayon sa senador dapat tutukan agad ng susunod na administrasyon ang problema sa kakulangan ng suplay ng kuryente sa bansa hindi lamang para sa mga regular na consumers kundi pati na rin para sa paglago ng ekonomiya ng bansa.Dapat aniya ay madagdagaan ang ating power suplay at dapat nating maibaba ang ating cost of production.Inihalimbawa ni Marcos ang Ilocos Norte kung saan naitayo sa panahon ng kanyang panunungkulan bilang gobernador ang kauna-unahang commercial wind farm sa Southeast Asia para magkaroon ng sapat na suplay ng kuryente hindi lamang sa kanyang probinsya kundi sa mga karatig lugar.
Pagnipis Ng Power Supply, Ikinabahala Ng Isang Senador
Facebook Comments