
Malamang umanong maranasan ang pagnipis ng suplay ng kuryente sa panahon ng tag-init.
Ito ay ayon sa Independent Electricity Market Operator of the Philippines (IEMOP).
Ayon kay Engr. Isidro Camacho, Vice President for Trading Operations ng IEMOP, malamang na magkaroon ng forced outages ng mga planta.
Malimit aniya na kapag sobrang init ng panahon, ilang planta ng kuryente ang sumasailalim sa maintenance.
Gayunman, sinabi ni Camacho na may mga naihandang mga programa ang Department of Energy (DOE) para magkaroon ng sapat na suplay ng kuryente sa tag-init.
Ang mataas na temperatura aniya ay karaniwang nararanasan sa buwan ng Abril at Mayo, kaya’t sa panahong ito ay malakas ang pangangailangan ng mamamayan sa kuryente.
Mayroon din naman aniyang backup plan ang Meralco at iba’t ibang electric company sa bansa kung paano maiiwasan na magkaroon ng brownout sa summer.










