PAGOD NA | Duterte, pinag-iisipan nang magbitiw sa pwesto

Manila, Philippines – Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na nayayamot na siya paglaganap na korapsyon sa gobyerno.

Ayon kay Duterte, itinuturing na niyang ‘endemic’ ang korapsyon.

Sinabi pa ng Pangulo na nagdududa siya na kaya niya itong sugpuin sa loob ng kanyang termino.


Muli ring inihayag ng Pangulo ang naising magbitiw sa pwesto dahil pagod na siya.

Matatandaang nagkaroon ng serye ng sibakan kamakailan, kabilang na rito ang mga opisyal ng Nayong Pilipino Foundation (NPF) dahil sa irregular long-term lease contract ng isang government property.

Pinagtatanggal din ng Pangulo sa pwesto ang ilang matataas na military officials dahil sa maanomalyang kontrata sa isang government hospital.

Facebook Comments