Muling nagsagawa ng vaccination ang pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) mula sa 13 government agencies sa ilalim ng one-stop-shop sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ang mga tumanggap ng 1st dose ng COVID-19 vaccine noong June 3 ang tatanggap ng 2nd dose ngayong araw.
Ito ang unang batch para sa 2nd dose mula sa hanay ng mga frontliner ng 13 government agencies.
Sa ngayon ay umabot na sa 60% ang vaccinated mula sa 5 batch na vaccination sa mga kawani mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno na isinagawa sa NAIA Terminal 4.
Target ng one-stop-shop ang higit sa 7,000 manggagawa mula sa MIAA, Department of Foreign Affairs (DFA), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Philippine Coast Guad (PCG), Bureau of Quarantine (BOQ), Bureau of Customs (BoC), Bureau of Immigration (BI), Office for Transportation Security (OTS) at iba pang ahensya ng gobyerno.
Sa datos ng MIAA-Media Affairs Office, umabot na sa 5,750 ang nakatanggap ng kanilang 1st dose kung saan target ang higit 7,000 miyembro ng one-stop-shop na inaasahang matapos sa buwan ng July taong ito.