Pagpabor ng mga senador sa extension ng Martial Law, nakadepende sa impormasyong ibibigay ng security officials

Manila, Philippines – Ayon kina Senators Sonny Angara at Panfilo Ping Lacson, nakadepende sa magiging briefing sa kanila ng security officials kung papaboran nila ang posibleng paghirit ng extension ng martial law sa buong Mindanao.

Ayon kay Angara, nais nila na magkaroon muli ng briefing sa senado ang mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines, Dept. of National Defense at National Security Council.

Kaugnay ito sa gulo na hatid ng Maute terror group sa Marawi City na ugat ng ginawang pagsailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Mindanao sa batas militar.
Sabi ni Angara at Lacson, magpapasya sila matapos ang nasabing briefing.


“We will ask for a briefing from the military, which is what we also requested for after the initial proclamation, and then we take it from there,” ayon kay Senator Angara.

Si Lacson naman, aminado na malaking factor din na mapagbigyan ang hirit na pagpapalawig ng martial law ang pagkakaroon ng administrqsyong duterte ng maraming kaalyado sa mataas at mababang kapulungan ng kongreso.

“It will largely depend on how the security officials of the government will present their case to the Congress, notwithstanding the overwhelming number of allies the President has in both Houses,” paliwanag ni Senator Lacson.

Facebook Comments