Pagpabor ni Guanzon sa disqualification case ni BBM, posibleng makaapekto sa kumpinyansa ng publiko sa COMELEC

Maaaring makaapekto sa pagtingin ng publiko sa Commission on Elections (Comelec) ang pagpabor ni Commissioner Rowena Guanzon sa disqualification case laban kay presidential aspirant Bongbong Marcos.

Ayon kay Atty. Michael Henry Yusingco ng Ateneo de Manila University Policy Center, posible itong magresulta ng duda ng publiko sa kung anumang magiging desisyon ng Comelec.

Pwede rin aniya na dahil sa desisyon ni Guanzon ay maipakita ang pagiging transparent ng poll body.


“Yung negative, it’s possible na pwedeng mawalan ng kumpiyansa ang publiko kung anuman yung desisyon ng Comelec ‘no? Kasi nag-plant ng seed of doubt na si Commissioner Guanzon di ba? She voted for disqualification tapos biglang may pumasok na outside influence,” ani Yusingco sa panayam ng RMN Manila.

“On the other hand, pwede rin kasing magka-positive effect to ‘no? Maha-highlight talaga na ang Comelec e, it upholds transparency,” dagdag niya.

Naniniwala naman si Yusingco na bagama’t separate opinion ang sinabi ni Guanzon ay posibleng pareho sila ng desisyon ng Comelec 1st Division.

“Baka ang desisyon ng division ay disqualification din iba lang ang reasoning ni Commissioner Guanzon kasi ang salitang binanggit niya ay separate opinion.
“Nagsususpetsa tuloy ako na baka, posible na pareho sila ng desisyon ng division which is pabor doon sa disqualification.”

“Sa level ng Comelec, dapat nagdesisyon na sila. Kaya nilang magdesisyon even before the election… but ibang issue yung pagdesisyon ng Supreme Court, that involves really a timeline that may not accommodate yung elections,” paliwanag ng political analyst.

“Ang desisyon ng Comelec to disqualify the senator [Marcos] e yun na yung magiging operating reality natin until magdesisyon ang Supreme Court with finality,” dagdag niya.

Facebook Comments