Pagpaimbistiga ng senado at kongreso hinggil sa fake news, suportado ni PCOO Secretary Andanar

148

Iligan, Philippines – Suportado ni Presidential Communication Operation Secretary Martin Andanar ang pagsasagawa ng imbestigasyon ng senado at kongreso hinggil sa mga fake news.

Sinabi ni Andanar sa interview nito kagahapon ng DXIC Iligan na magandang hakbang umano ito para mahinto at matuldokan na ang problema sa social media na mga fake news.

Ayon sa nakikitang solusyon ni Andanar para matigil na ang fake news ay ang pag-identify sa mga bonified media outfit at ang mga tauhan nito laban sa mga nagpapakilalang media pero puro fake news pala ang kanilang ginagawa.


Sa pamamagitan nito tiniyak ni Andanar na agad malalaman kung sino ang nasa likod ng pagsasagawa ng maling impormasyon.

Naniniwala si Andanar na sa pagsasagawa ng tamang balita o impormasyon makamit ang magandang buhay ng bawat Pilipino.

Facebook Comments