PAGPALAOT NG MGA BANGKA SA COASTAL AREAS NG ISABELA, IPINAGBAWAL

CAUAYAN CITY- Pansamantalang sinuspende ng Coast Guard Station Isabela ang paglayag ng sasakyang pandagat sa coastal areas ng Isabela.

Ito ay dulot ng nararanasang tropical storm Kristine kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang pagpalaot ng mga motorbanca at watercrafts.

Ang naturang abiso ay sa ilalim ng NHGQ-PCG/CG8 Memo Circular No. 02-23 na may petsang March 23, 2023 (Revised Guidelines on Movement of Vessels during Heavy Weather).


Pinapaalalahanan din ang mga residente at mangingisda na sumunod sa naturang abiso upang masiguro ang kanilang kaligtasan.

Facebook Comments