Matindi ang pagtutol ni Senator Nancy Binay sa pasya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na palitan ng litrato ng Philippine eagle ang mukha sa ₱1,000 nina Josefa Llanes-Escoda, Jose Abad Santos, and Gen. Vicente Lim, ang tatlong bayani na lumaban sa pananakop ng mga hapon.
Diin ni Binay, hindi lang ang mukha ng tatlong bayani ang binura ng BSP sa isang libong piso kundi ang kasaysayan ng bansa.
Ang hakbang ng BSP ay umpisa ng pagpapatupad ng desisyon nitong palitan mga bayani at kilalang tao sa mga perang papel ng mga flora and fauna o mga halaman at hayop.
Dismayado si Binay na tila unti-unting binubura ng BSP ang alaala ng kabayanihan ng mga taong nagmahal at nagpakamartir para sa bansa.
Bunsod nito ay iginiit ni Binay na bukod sa permiso ng National Historical Commission ay dapat paaprubahan din sa Kongreso ang malaking pagbabago sa disenyo ng mga barya at perang papel upang hindi lang ang BSP ang magdedesisyon.