Iginiit nina Senators Sherwin Gatchalian at Joel Villaneuva na maipaloob bilang asignatura sa K-to-12 curriculum ang Good Manners and Right Conduct o GMRC.
Ang mungkahi ay nakapaloob sa Senate Bill Number 860 o Comprehensive Values Education Act.
Paliwanag ni Villanueva, layunin ng panukala na mabigyan ng tamang edukasyon ang mga estudyante ukol sa tama at katanggap tanggap na asal na umaayon sa moralidad at ating nakaugalian.
Dismayado si Gatchalian na lumabas sa pagdinig ng pinamumunuan niyang Comittee on Education na hindi na ngayon nabibigyang halaga ang values education kumpara sa ibang subject tulad ng Math, Science at English.
Dagdag pa ni Gatchalian, na hindi rin expert ang mga nagtuturo ngayon ng values education.
Diin ni Gatchalian, dapat pahalagahan ang values education dahil ito ang magbibigay ng tamang pag-aasal sa ating mga kabataan na magdadala sa susunod na henerasyon.