
Tiniyak ni ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio na hindi tantanan ng mamamayan ang pagpapanagot kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa umano’y winaldas na confidential funds.
Bunsod nito ay iginiit ni Tinio na panandalian lang ang pagbubunyi ngayon ng bise presidente.
Mensahe ito ni Tinio kasunod ng pagdeklara ng Supreme Court na unconstitutional ang impeachment complaint laban kay VP Duterte.
Lubos na nakakadismaya para kay Tinio ang pasya ng Kataas-taasang hukuman dahil ipinapakita nito na ang hirap talagang magpanagot ng korap sa Pilipinas.
Dagdag pa ni Tinio ang desisyon ng Supreme Court ay nagbigay din ng ligal na basbas sa matagal nang pinagsisikapan ng Malacañang at Senado na hindi matuloy ang impeachment trial kay VP Sara.
Facebook Comments









