Pagpanaw ni Kobe Bryant, ikinalungkot ng mga senador

Maging ang mga senador ay labis ding nalungkot sa biglang pagpanaw ng NBA Superstar na si Kobe Bryant.

 

Si Senator Sonny Angara, nagpapasalamat sa ginawang pagpapahalaga ni Bryant sa mga tagahangang Pilipino nang sya ay bumisita dito sa bansa.

 

Para naman kay Senator Richard Gordon masakit para sa mga tagahanga at nagmamahal kay Bryant ang nangyari at ito rin ay isang paalala na ang lahat dito sa mundo ay pansamantala lamang.


 

Bukod sa galing sa basketball, ay isa din sa pangunahing hinangaan ni Senator Joel Villanueva, ang pananalig sa diyos ni Bryant lalo na sa panahon ng mga pagsubok nito sa buhay.

 

Si Senator Risa Hontiveros naman, ay hinangaan din ang pagiging mapagmahal na ama ni Bryant at pagiging insprasyon.

 

Sabi naman ni Senator Christopher Bong Go, malaking kawalan si Bryant sa larangan ng basketball at hindi rin matatawaran ang pagiging inspirasyon nito sa mga kabataan at sa ating lahat, lalo na pagdating sa kahalagahan ng disiplina, pagsisikap at dedikasyon para maging matagumpay.

 

Humiling naman ng panalangin ni Senator Manny Pacquiao para kay Bryant at anak nitong nasawi din sa aksidente at sa kanyang naiwang pamilya.

 

Sabi naman ni Senators Sherwin Gatchalian at Imee Marcos, mahal ng mga Pilipino si Bryant dahil mahal din nito ang ating bansa.

 

Facebook Comments