Pagpanaw ni Palawan 1st District Rep. Edgardo “Egay” Salvame, malaking kawalan sa Kongreso at sa bansa

Nagluluksa ngayon ang buong House of Representatives dahil sa pagpanaw ni Palawan 1st District Rep. Edgardo “Egay” Salvame, na tumatayo ring Vice Chairperson ng House committee on energy at committee on land use.

Bunsod nito ay nagpahayag ngayon si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ng labis na lungkot at pakikiramay sa pamilya at mga kaibigan na naiwan ni Salvame gayundin sa mamamayan ng Palawan.

Diin ni Romualdez, ang paglisan ni Salvame ay malaking kawalan sa Kongreso at sa buong bansa dahil sa taglay nitong integridad, kahanga-hanga kalidad ng trabaho, serbisyo sa publiko at hangarin na mapabuti ang kapakanan ng kanyang kapwa.


Ayon kay Romualdez, si Salvame ay hindi lamang nya kasamahan sa Kamara kundi isa ring maasahang kaibigan na pinaghuhugutan ng inspirasyon.

Tiwala naman si Romualdez na patuloy nilang magiging gabay ang mga naging kontribusyon o nagawa ni Salvame sa bansa at sa mga Pilipino gayundin ang mga mithiin into para sa ating kinabukasan.

Facebook Comments