Pagpangalan sa La Mesa ecopark sa Gina Lopez Eco Park, posible na

76

Nakuha na ang pagsuporta mula sa Bantay Kalikasan, City Legal Department, City Tourism Department at MWSS para sa panukalang pagpapalit ng pangalan ng La Mesa Ecopark sa Gina Lopez Eco Park sa Quezon City.

Ito ang lumabas sa ginanap na pagdinig ng Quezon City Committee on Tourism.


Sinabi ni Quezon City Councilor Winston Castelo na hihilingin na lamang nila sa La Mesa watershed Multi Sectoral Management Council ang suporta sa resolusyon.

Aniya, hindi matatawaran ang nagawa at legacy ni Lopez sa pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran kaya’t nais bigyang pagkilala ito sa pag-rename ng eco park sa kanya.

Hindi na makakalimutan ang magandang naiambag ni Lopez sa pagtulong sa pamahalaan na mapangalagaan ang kapaligiran  sa ating bansa.

Facebook Comments

From Advertisers