Manila, Philippines – Nanawagan ang Simbahang Katolika na mag-ayuno at magnilay sa panahon ng Kuwaresma na magsisimula sa February 14.
Papatak sa nasabing petsa ang ‘Ash Wednesday’.
Ayon kay Fr. Aries Sison, Kura Paroko ng Our Lady of Immaculate Concepcion Cathedral-Cubao pagpapa-alala ito na nanggaling ang tao sa alabok at sa alabok din babalik.
Panahon din aniya ng pag-aayuno ang Ash Wednesday at ang Biyernes (Feb. 16) pagkatapos nito ay hinihikayat ang mga mananampalataya na umiwas sa pagkain ng karne.
Naglabas naman ng sulat si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, na pinayagan ang mga magdiriwang ng Chinese New Year (Feb. 16) na makakain ng karne.
Facebook Comments