
Pinag-aaralan na ni Senate President pro-tempore Jinggoy Estrada ang tuluyang pagpapa-cite in contempt sa contractor na si Sarah Discaya sa susunod na pagdinig.
Diretsahang sinabi ni Estrada na sinungaling si Discaya at ang mga naging pahayag nito sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ay “full of inconsistencies” o paiba-iba.
Mayroon ding hawak na impormasyon si Estrada na nagbibigay ng 40% na advance na kickback sa mga opisyales ng Department of Public Works and Highways (DPWH) si Discaya taliwas sa pagtanggi nito sa ikalawang pagdinig.
Nang matanong din ang mambabatas kung naniniwala ba siya sa paliwanag ng abogado ni Discaya na kaya wala doon noong una ang mga sasakyan sa garahe sa property ng mga Discaya ay dahil ginagamit at binabaha, sagot lamang ni Estrada ay “tell it to the marines”.
Bukod kay Estrada, naniniwala rin si Senator Ronald “Bato” dela Rosa na malaki ang tsansang nagsisinungaling nga si Discaya dahil marami itong alanganing sinasabi sa pagdinig partikular na sa claim ng contractor na 23 taon na siya sa construction industry pero nang makita ang mga records ay 2012 lamang ito nagsimula.









