Nilinaw ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group na hindi “swap” ang pagpapa-deport sa Pilipinong si Hector Pantollana, na naaresto sa Indonesia dahil sa pagkakasangkot sa billion-pesos investment scam.
Ayon kay Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director BGen. Nicolas Torre III, ang pagkakaaresto kay Pantollana ay resulta ng magandang ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Indonesian National Police.
Kamakailan, ipina-deport din ng Pilipinas ang isang Indonesian fugitive na sangkot sa scamming activities at naaresto sa umano’y Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Bataan.
Sinabi ni Torre na walang natanggap na opisyal na sulat ang Philippine National Police (PNP) ukol sa palit ulo sa dalawang pugante.
Facebook Comments