Pagpapa-ikli ng procurement process sa 27 araw, isinulong sa Kamara

Isinulong ni Senior Deputy Speaker at Pampanga 3rd District Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr., na gawing 27 araw ang kasalukuyang 72 araw na procurement process ng gobyerno.

Nakapaloob ito sa inihain ni Gonzales na House Bill 7944 o panukalang “Ang Bagong Pilipinas Government Procurement Reform Act.”

Giit ni Gonzales, kailangan ng i-update ang government procurement system na naisabatas noon pang 2003.


Layunin ng panukala ni Gonzales na ma-streamline o mapabilis ang procurement process at matuldukan ang pagka-delay sa implementasyon ng mga programa at proyekto ng pamahalaan.

Ang panukala ni Gonzales ay base sa mga isinagawa nyang konsultasyon sa mga ahensya ng gobyerno.

Kasama din sa panukala ni Gonzales na alisin ang post-qualification at magkaroon ng permanenteng bids and awards committee sa halip na isang ad hoc na ang mga miyembro ay mayroon ding iba pang trabaho na nakakadagdag sa delay ng proseso.

Facebook Comments