Pagpapa-imbestiga sa Ombudsman at Chief Justice, hindi sakop ng kapangyarihan ng pangulo

Manila, Philippines – Iginiit ngayon ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na malinaw sa konstitusyon na tanging ang kongreso lang ang may kapangyarihan para imbestigahan at usigin ang mga impeachable officials katulad ng Ombudsman at Chief Justice.

Paliwanag pa ni Drilon, hindi maaring gamitin ng pangulo ang otoridad at impluwensya nito laban sa mga independent body tulad ng ombudsman, at sa co-equal branch of government tulad ng judiciary.

Ang pahayag ay ginawa ni drilon kasunod ng mga banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na papa-imbestigahan at ipapa-aresto ang mga empleyado sa Office of the Ombudsman at paghahamon kina Ombudsman Conchita Carpio Morales at Chief Justice Maria Lourdes Sereno na magbitiw na sa pwesto.


Ayon kay Senator Drilon, dapat ay maghain na lang si Pangulong Duterte ng impeachment complaint laban kay Morales sa halip na ipagpatuloy ang word war sa pagitan nila na wala namang patutunguhan.

Diin pa ni Drilon, dapat sundin ng lahat ang nakasaad sa ating konstitusyon at mga umiiral na batas.

Facebook Comments