Hinamon ni Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party-list Rep. Arlene Brosas ang Malacañang na irekomenda ang pagpapa-recall kay Chinese Ambassador Huang Xilian.
Giit ni Brosas, hindi dapat palagpasin ang pagbabanta ng Chinese Ambassador sa Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Taiwan para i-pressure ang gobyerno na katigan ang One China policy.
Sabi ni Brosas, bahala ang China na walang humpay na tutulan ang independence ng Taiwan pero hindi katanggap-tanggap na idamay nito ang kapalaran ng OFWs.
Bunsod ito ay ipinamukha ni Brosas ang ginagawa ng China na panggigipit sa ating mga mangingisda, laser-tagging sa ating Coast Guard at patuloy na paghahasik ng tensyon sa West Philippine Sea.
Ayon kay Brosas, dahil sa mga gawain na iyan ng China kaya wala itong karapatan na lecture-ran tayo sa usapin ng regional stability at pagpapahupa ng tensyon sa mga pinag-aagawang teritoryo.