Inihayag ni Taguig Mayor Lino Cayetano na may mga prosesong dapat sundin ang mga residente ng lungsod upang mabigyan ng assistance para sa pagpapa-test laban sa COVID-19.
Ayon kay Mayor Cayetano, dapat magpa-assess muna sa www.taguiginfo.com o sa kanilang COVID-19 hotline, at hintayin ang e-mail kung kailangan magpa-test o hindi at control number para naman sa mga dapat magpa-test laban sa COVID-19.
Pwede rin aniya magpa-schedule sa pinakamalapit nilang barangay health center.
Kung mayroon namang sariling sasakyan, pwede ring magpatest sa pamamagitan ng drive-thru sa lakeshore Bonifacio Global City ng Taguig.
Pahayag ng alkalde, isa ito sa agresibong hakbang ng lungsod sa paglaban kontra COVID-19.
Layunin din nito na ang mga residenteng posibleng carrier ng naturang sakit ay magkaroon at mabigyan ng access para sa COVID-19 test.