Pagpapa-ubaya ng alert levels sa mga lokal na pamahalaan, pinag-aaralan na ayon sa DOH

Posibleng ipaubaya na sa lokal na pamahalaan ang pagpapatupad ng alert level system.

Pahayag ito ng Department of Health matapos talakayin sa pinakahuling Inter-Agency Task Force meeting ang rekomendasyon na paghiwalayin ang alert level at ang restrictions nito.

Sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, inatasan ang Department of the Interior and Local Government o DILG kung may kakayahan ang mga LGU na i-assess ang kanilang mga nasasakupan at magpatupad ng karampatang restriction na angkop sa kada lugar.


Pero ayon kay Vergeire, dadaan pa ito sa konsultasyon sa mga LGU.

Inaasahang sa susunod na IATF meeting pa sa 2023 ilalabas ng DILG ang kanilang assessment kaugnay rito.

Facebook Comments