Pagpapa-unlad ng dalawang bagong lalawigan sa Maguindanao, prayoridad nang gobyerno

Prayoridad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang development ng dalawang bagong tatag na lalawigan sa Maguindanao – ito ay ang Maguindanao del Sur at Maguindanao del Norte.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil, natutuwa ang pangulo na kahit papaanoy nasusolusyunan ang matagal nang problemang kinakaharap nang dalawang probinsya na malaking tulong aniya para sa patuloy na pag-unlad.

Sa isinagawang oath taking ng mga opisyales ng dalawang lalawigan, tiniyak ni Pangulong Marcos sa mga ito na hindi sila pababayaan ng national government lalo na sa panahon ng transition.


Ilan sa mga nanumpa kay Pangulong Marcos sa Malacañang ay sina Maguindanao del Norte Governor Abdulraop Abdul Macasena, Vice Gov. Fatima Ainee Limbona Sinsuat, at kanilang mga board members.

Nanumpa rin sina Maguindanao del Sur Gov. Mariam Sangki Mangudadatu, Vice Gov. Nathaniel Sangacala Midtimbang, at kanilang mga board members.

Matatandaang May 2021 nang lagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang RA 11550 o ang paghahati ng Maguindanao sa dalawang lalawigan.

Facebook Comments