Pagpapa-uwi kay Rep. Zaldy Co, sinegundahan ng isa pang lider ng Kamara

Sinegundahan ni House Deputy Speaker at Iloilo Rep. Janette Garin ang panawagan kay Ako Bicol Party-list Rep. Elizaldy Co na umuwi na sa bansa upang harapin ang mga alegasyon na ibinabato sa kanya kaugnay sa budget insertions at maanumalyang flood control projects.

Sang-ayon si Garin sa sinabi nina House Deputy Speaker Rep. Ronaldo Puno at House Majority Leader Rep. Sandro Marcos na dapat bumalik na sa Pilipinas si Co na ngayon ay nasa Amerika.

Binanggit ni Garin na sinubukan ding tawagan ni dating Speaker Ferdinand Martin Romualdez si Co para sabihan umuwi at personal na harapin ang mga paratang sa kanya.

Dagdag pa ni Garin, ang mga isyung bumabalot kay Congressman Co ay maaaring isa din sa mga dahilan ng pagbibitiw ni Romualdez bilang House Speaker.

Ayon kay Garin, ang hakbang ni Romualdez ay parte ng command responsibility at isang sakripisyo rin para maisalba ang Kamara bilang institusyon.

Facebook Comments