Pagpapaabot ng tulong sa mga apektado ng bagyo at habagat, patuloy – NDRRMC

Inanunsyo ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC na patuloy ang pagsusumikap ng pamahalaan na mahatiran ng tulong ang mga apektado ng bagyo at habagat.

Ayon sa NDRRMC, katuwang ang iba’t ibang ahensya at organisasyon, nagsasagawa sila ng relief operations sa Regions 1, 2, 3, CALABARZON, MIMAROPA, Region 5, 6, 11, BARMM, CAR at NCR.

Paliwanag pa ng NDRRMC sa ngayon, nakapagbigay na ang pamahalaan ng ₱239.2 million na tulong sa mga kababayan nating naapektuhan ng nagdaang Bagyong Egay.


Kabilang sa mga ayudang ipinagkaloob ay family food packs, inuming tubig, hygiene kits, kitchen kits, modular kits, malong, sleeping kits, mga gamot at maraming iba pa.

Mayroon ding binigyan ng financial assistance at mga napabilang sa Assistance to Individuals in Crisis Situations Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Maliban dito, nagkaloob din ang pamahalaan ng shelter repair kits lalo na sa mga kababayan nating winasak ng bagyo ang tirahan.

Facebook Comments