Pagpapaalis sa mga health workers na may kumpletong kontrata abroad, iaapela ng DOLE sa IATF

Inendorso na ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa Inter-Agency Task Force (IATF) ang rekomendasyon ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na payagan nang makapag-abroad ang mga health workers na mayroong kumpletong kontrata.

Kasunod ito ng temporary deployment ban na ipinatupad ng pamahalaan sa mga medical workers sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Tiwala naman si Bello na aaprubahan ng IATF at ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing rekomendasyon.


Aabot sa 1,200 mga healthcare workers ang maaari nang makapagtrabaho sa ibang bansa oras na alisin na ang deployment ban.

Tiniyak naman ng kalihim na wala itong magiging epekto sa kasalukuyang suplay ng mga medical workers sa Pilipinas.

Facebook Comments