Pagpapaangat sa buhay ng mga katutubo sa bansa, isinusulong ng isang senador

Pinakikilos ni Senator Sonny Angara ang pamahalaan na kilalanin at gumawa ng mga hakbang para maiangat ang buhay ng mga indigenous people (IPs) na kabilang pa rin sa mga pinakamahihirap at disadvantaged na social group sa bansa.

Punto ni Angara, 25 taon na ang nakalipas mula nang ipatupad ang Republic Act 8731 o ang Indigenous Peoples Rights Act (IPRA) pero halos walang nagbago sa sitwasyon ng pamumuhay ng ating mga katutubo.

Tinukoy rin ng senador na dahil sa kawalan ng public data para sa mga indigenous cultural communities (ICCs) ay kadalasang napapabayaan o hindi sila naisasama sa mga dapat na makatanggap ng basic, social, technical at kahit ng legal services.


Para mas matulungan ang mga IPs ay inihain ni Angara ang Senate Bill 1167 o ang Resource Centers for Indigenous Peoples Act of 2022 na layong magtatag ng ICC o IP resource center sa mga strategic na lugar na tinukoy ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP).

Ang mga centers na itatag ay bubuuhin naman ng tatlong pangunahing services area; ang Statistical Service Area; Human Development Index Service Area; at ang Domains Management Service Area.

Ang Statistical Service Area ang siyang bahala sa documentation at pagkilala sa mga IPs o ICCs sa lugar , ang Human Development Index Service Area ang nakatoka naman sa pagtugon sa mga problema at pagbibigay ng mga kinakailangang serbisyo.

Habang Domains Management Service Area ang magsusulong naman ng mga programa, proyekto at aktibidad para sa magiging papel ng mga IPs sa kalikasan, komunidad, batas at sa bansa.

Facebook Comments