Pagpapaaresto kay Matobato, inaasahan na ng Malacañ ang

93

Manila, Philippines – Hindi na ikinagulat ng Palasyo ng Malacañang ang pagpapaaresto ng korte kay Edgar Matobato.

 

Matatandaan na si Matobato ay umaming miyembro ng Davao Death Squad may may kinalaman sa maraming pagpatay sa Davao City.

 

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, inaasahan na nila ito dahil mismong si Matobato ay umamin sa mga krimeng ginawa nito.

 

Hindi din naman aniya sila magugulat kung sisigaw nanaman ng political persecution ang mga kritiko ng administrasyo sa pagpapaaresto kay matobato.

 

Sinabi din ni Abella na ipinapakita lang nito na mabagal man ang hustisya sa bansa ay makahahabol din ito sa mga kriminal.




Facebook Comments