Tinututukan ng Local Government Unit (LGU) ng San Quintin ang pagpapababa ng bilang ng aksidente sa kalsada sa pamamagitan ng muling pagpapatupad ng libreng Theoretical Driving Course (TDC) para sa mga residente.
Naglaan ang LGU ng 210 libreng slots para sa TDC upang mas marami ang mabigyan ng pagkakataong makakuha ng student-driver permit at maihanda bilang mas responsableng motorista.
Ayon sa lokal na pamahalaan, maaaring magparehistro ang mga interesado tuwing Lunes hanggang Miyerkules, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon, sa munisipyo ng San Quintin.
Kaugnay nito ang suporta ng bayan sa layunin ng Land Transportation Office (LTO) na mabawasan ng 35% ang mga aksidente sa kalsada pagsapit ng 2025, alinsunod sa Road Safety Action Plan, at makapagpatubo ng mas disiplinadong henerasyon ng mga driver sa rehiyon.









