Pagpapababa ng NCR sa MECQ mula ECQ, inihihirit ng DTI

Isinusulong ngayon ng Department of Trade and Industry (DTI) na maibaba sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang buong National Capital Region (NCR).

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, malaking tulong sa ekonomiya ng bansa ang pagpapababa sa restriksiyon upang mas maraming negosyo ang magbukas at makabalik na sa trabaho ang maraming manggagawa.

Kung sakaling palawigin naman sa MECQ, iminungkahi ni Lopez na magkaroon na lang ng granular lockdowns sa ilang lugar sa bansa.


Sa ngayon, tinatarget na ng DTI ang 15% growth sa kabuuang pag-aangkat matapos makapagtala ng 11.8% Gross Domestic Product (GDP) nitong ikalawang quarter ng taon.

Facebook Comments