Pagpapababa ng presyo ng gamot sa bansa, target ng pamahalaan

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Food and Drug Administration (FDA) na pababain pa ang presyo ng gamot sa bansa at magbigay ng dekalidad na gamot sa mga Pilipino.

Ito’y sa pamamagitan ng pagtatatag ng tatlong pharma-zone sa bansa na magpapadali ng drug application process.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni FDA Director General Samuel Zacate na inilatag nila kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga ginagawang hakbang upang matulungan ang stakeholders, local drug manufacturers, at drug importers na mapadali ang pagrerehistro ng mga produkto.


Bukod pa aniya rito ang ginagawa nilang revision ng mga fee o bayarin, upang ang mga laboratoryo at testing abilities ng bansa ay mailapit pa sa international regulations.

Samantala, inihayag din ni Zacate na pinahaba na ng FDA ang validity ng license to operate at certificate of product registration (CPR) mula sa tatlo hanggang limang taon na renewal, patungo sa lima hanggang 10 taon.

Facebook Comments