Pagpapababa sa piyansa ng mga mahihirap na bilanggo, ipinag-utos ng Korte Suprema

Ipinag-utos na ng Korte Suprema sa lahat ng mga hukom, prosecutor, public attorney at sa mga miyembro ng bar ang pagpapababa sa piyansa ng mga mahihirap na bilanggo o Person Deprived of Liberty ngayong may Public Health Emergency.

Sa Administrative Circular Number 38-2020 na pirmado ni Chief Justice Diosdado Peralta, ibinababa na ang piyansa para sa mga indigent PDLS, maliban sa mga may kaso na may parusang reclusion perpetua o hangang 40-taong pagkakakulong

Sinabi ng SC na makailang ulit narin naman itong naglabas ng desisyon na ang halaga dapat ng ipinapataw na piyansa ay marapat na resonable sa lahat ng pagkakataon.


Layon  niyo nito na masolusyunan ang pagsisiksikan ng mga bilanggo sa mga kulungan at para makaiwas sa pagkalat pa ng COVID-19.

Ang piyansa ng  bawat PDL ay depende sa bigat ng kinakaharap na parusa.

Para sa mga indigent PDL o yung mga mahihirap na bilanggo na hindi na naisasalang sa arraignment, kailangang ma-arraign o mabasahan muna sila ng sakdal bago payagang makapag-piyansa.

Ayon sa SC, maari namang gawin ang arraignment at pagpapalaya matapos makapag-piyansa ang isang inmate sa pamamagitan ng videoconferencing.

Hindi naman sakop ng circular ang inmates na nagsisilbi na ng kanilang sentensya sa kulungan.

Facebook Comments