Nangako ang liderato ng Kamara na tutulong para mapababa ang presyo ng mga bilihin lalo ang mga pagkain tulad ng bigas.
Ayon kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, ito ang layunin kaya binuo ang quinta committee na siya ang nag-iimbestiga sa mataas na presyo ng mga pagkain, lalo na ang bigas, kahit mababa naman ang presyo nito sa farmgate at presyo sa pandaigdigang pamilihan.
Ang limang committee ay kinabibilangan ng Ways and Means, Food and Agriculture, Trade and Industry, Food Security, at Social Services.
Sabi ni Romualdez, sa mga pagdinig ng quinta committee ay aalamin kung dikta ng monopolyo o smuggling ang mataas na presyo ng mga bilihin ngayon tulad ng bigas na nasa 50 to 60 pesos pa rin presyo kada kilo.
Diin ni Romualdez, dapat mapanagot ang sinuman na nasa likod ng pagkontrol sa presyo ng bilihin sa bansa.