Iginiit ni AGRI Party-list Rep. Wilbert Lee sa Department of Agriculture o DA na gamitin nang mahusay ang pondo nito para mapag-ibayo ang serbisyo sa mga magsasaka at mangingisda at matugunan ang mga problema sa sektor ng agrikultura.
Pangunahing tinukoy ni Lee na dapat targetin ng DA ang pagpapababa sa gastos ng mga magsasaka sa produksyon ng mga produktong agrikultural.
Nakakatiyak si Lee na daan ito ang para maibaba rin ang presyo ng sibuyas at iba pang agricultural products.
Ayon kay Lee na P174 billion ang budget ngayong taon ng DA na dapat ay mailaan sa pagbawas ng production cost sa pamamagitan ng access sa murang abono at pesticides, farm equipment, at gumaganang irigasyon.
Kasama ding binanggit ni Lee ang dagdag na post-harvest facilities tulad ng cold storage at transport facilities para maiwasan ang maraming nasasayang na ani lalo na sa panahon ng kalamidad.
Paliwanag ni Lee, ang tumataas na presyo ng sibuyas at iba pang agricultural products ay dahil sa mababang suplay nito sa bansa na dulot naman ng mataas na production cost na hindi kayang balikatin ng ating mga magsasaka at mangingisda.