Sa tingin ni Senator Francis Tolentino, maaaring gawing kondisyon sa pamamahagi ng ayuda ang pagpapabakuna laban sa COVID-19.
Inaasahan ni Tolentino na mayroong aalma rito.
Pero giit ni Tolentino, kailangang ipaunawa na mahalagang maging malusog ang taumbayan at walang karamdaman para sumigla at makabangon nang tuluyan ang ekonomiya.
Paliwanag ni Tolentino, mayroon naman ng umiiral na kondisyon na nakapaloob sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) .
Inihalimbawa ni Tolentino ang kondisyon na pagpasok dapat sa eskwela ng mga anak ng mga benepisaryo ng 4ps.
Bukod sa ayuda, sa ilalim ng 4ps ay nagbibigay din ngayon ang pamahalaan ng fuel subsidy sa mga tsuper ng pampublikong transportasyon, sa mga mangingisda at sa magsasaka sa gitna ng walang humpay na lagtaas sa presyo ng langis.