Pagpapabakuna kontra COVID-19, required na sa mga on-site workers simula sa December 1

Simula December 1, 2021, pwede nang ipatupad ng mga employer ang “No Work, No Pay” rule.

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), ito ay para lamang sa mga unvaccinated employees na required magtrabaho on-site pero tumatangging sumailalim sa mandatory COVID-19 test.

Habang alinsunod din sa Resolutions No. 148 at 149 ng Inter-Agency Task Force (IATF), pwede na ring pumasok on-site ang mga manggagawang naturukan na ng maski unang dose pa lamang ng bakuna.


Sabi ni DOLE Asec. Teresita “Tess” Cocueco, ang mga partially vaccinated employee ay hindi rin ire-require na sumalang sa regular RT-PCR tests.

Para naman sa mga empleyadong hindi pa bakunado pero nais nang bumalik sa on-site work, kailangan nilang sumailalim sa RT-PCR testing, isang beses kada dalawang linggo.

Ang gastos para rito ay papasanin mismo ng empleyado.

Facebook Comments