Pagpapabakuna laban sa COVID-19, bahagi ng moral obligation ng mga guro – DepEd

Binigyang-diin ng Department of Education (DepEd) na bahagi ng moral duty ng mga guro ang magpabakuna laban sa COVID-19.

Pero paglilinaw ni Education Undersecretary for Administration Alain del Pascua, na hindi pipilitin ang mga guro na magpabakuna dahil magiging voluntary basis lamang ito.

Naghahanda na rin aniya ang kagawaran sa kanilang vaccination efforts para sa mga public school teachers sa buong bansa.


Sa ngayon, wala pang eksaktong datos ang DepEd kung ilang mga guro ang nais magpabakuna laban sa COVID-19.

Ang mga guro ay nasa ilalim ng Priority 4 ng vaccination program ng pamahalaan.

Facebook Comments