Pagpapabakuna laban sa COVID-19, posibleng simulan sa Marso – DOH

Maaaring simulan sa Pilipinas ang pagpapabakuna laban sa COVID-19 sa buwan ng Marso.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, sinabi sa kanya ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. na maaaring mag-umpisa ang vaccination sa unang kwarter ng taon.

Target ng pamahalaan na mabakunahan ang 60 hanggang 70 porsyento ng populasyon para maabot ang herd immunity


Tiwala si Duque na hindi magkakaproblema ang bansa kapag sinimulan na ang immunization campaign.

Walang binanggit si Duque kung anong bakuna ang planong iturok ng pamahalaan sa publiko.

Matatandaang prayoridad ng pamahalaan na mabakunahan ang healthcare workers, matatanda, may sakit, mahihirap na pamilya at mga unipormadong tauhan ng gobyerno.

Facebook Comments