PAGPAPABAKUNA LABAN SA RABIES, IPINANAWAGAN

CAUAYAN CITY – Patuloy na ipinapanawagan ng Cagayan Valley Center for Health Development (CVCHD) ang pagpapabakuna upang labanan ang banta ng rabies sa Rehiyon.

Sa pamamagitan ng forum, sa ilalim ng National Rabies Prevention and Control Program (NRPCP), tinalakay dito ang mahahalagang impormasyon ukol sa rabies sa ating rehiyon, mga preventive and effective measures, at updates ukol sa pagbabakuna ng mga aso at responsableng pangangalaga sa mga alagang hayop.

Kaugnay nito, binigyang-diin ni Assistant Regional Director Dr. Mar Wynn Bello, binigyang diin nito ang agarang pagpapakonsulta sakali mang makagat ng anumang hayop, upang maiwasan ang pagkalat ng rabies.


Watch more balita here:𝗖𝗟𝗘𝗔𝗡-𝗨𝗣 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗥𝗚𝗬. 𝗧𝗔𝗚𝗔𝗥𝗔𝗡

Ayon pa kay Bello, mahalaga ang magpabakuna kumpara sa tradisyunal na pamamaraan tulad ng “Tandok”.

Target naman ng ahensya na makawasan ang Rabies at maging rabies-free ang ating bansa sa taong 2030.

Facebook Comments