Apat na senior medical doctors ang naunang sumalang na magpabakuna ng AstraZeneca vaccine sa De Los Santos Hospital.
Pinangunahan ito nina Dr. Restituto Buenviaje, 82 anyos, isang obstetrician-gynecologist at si Benito Ramos, 78 anyos, isang anesthesiologist.
Kabilang din dito sina Dr. Maria Patricia Laurea, obstetrician-gynecologist, Dr. Maria Blanca De Guzman, adult cardiologist at Dr. Ma. Medyzena Dator-Lapuz, pediatrician.
Wala namang naramdamang side effects ang mga naunang nabakunahan.
Dalawampung medical staff ang unang nagpabakuna ngayong araw.
Nasa 1000 doses AstraZeneca ang dinala rito sa De Los Santos Hospital kung saan 130 na medical personnel ang nagpahayag ng kahandaang magpabakuna.
Magtatagal hanggang araw ng Linggo ang gagawing rollout ng AstraZeneca vaccine sa De Los Santos Hospital.
Nauna rito, abot sa 300 na medical personnel ang nabakunahan ng Sinovac vaccine na donasyon ng China.