Pagpapabakuna ng dalawang magkaibang brand ng COVID-19 vaccine, hindi inirerekomenda ng DOH

Hindi inirerekomenda ng Department of Health (DOH) ang pagpapabakuna ng magkaibang brand ng COVID-19 vaccine para makumpleto ang kinakailangang dalawang doses nito.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, oras na makaranas ng negatibong epekto matapos ang pagpapabakuna ay mahihirapan ang kagawaran na matukoy kung anong brand ng COVID-19 vaccine ang nagdulot nito.

“You would not want to toy with the idea of giving different vaccines for the simple reason that if an adverse event following immunization does happen, or an adverse event of special interest, we are going to struggle to identify which of these two different vaccines must have caused it,” ani Duque.


Paliwanag naman ni Philippine Medical Association Adhoc Committee on Vaccination Chairperson Dr. Lulu Bravo, hindi kasi ito nakabatay sa standard procedures ng vaccination.

Sa ngayon, ang COVID-19 vaccine pa lamang ng Pfizer-BioNTech ang may Emergency Use Authorization (EUA) mula sa Food and Drug Administration (FDA) para magamit na bakuna sa bansa.

Facebook Comments