Pagpapabakuna ng General Public, posibleng simulan sa Mayo – Galvez

Posibleng maumpisahan na sa Mayo ang pagpapabakuna ng general public.

Ayon kay National Task Force (NTF) against COVID-19 Chief Implementer Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., ang malawakang vaccination ay mangyayari kapag dumating na ang mga in-order na vaccine supply mula sa AstraZeneca at Moderna.

Ang NTF ay bumubuo na ng proposal para i-adopt ang Program Evaluation and Review Technique at Critical Path Method (PERT-CPM) model, kung saan pinapayagan ang pamahalaan na maglunsad ng sabay-sabay na pagpapabakuna sa iba pang prayoridad na sektor lalo na sa economic frontliners.


Sa ngayon, aabot na sa 292,677 mula sa 1.7 million medical frontliners sa bansa ang naturukan ng COVID-19 vaccine.

Umaasa si Galvez na matatapos ang pagpapabakuna sa lahat ng health workers sa Abril.

Facebook Comments