Pagpapabakuna ng ilang miyembro ng PSG at gabinete, kanilang ‘personal choice’ ayon sa DILG

Aminado ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na may ilang miyembro ng Gabinete at tauhan ng Presidential Security Group (PSG) ang naturukan na ng bakuna laban sa COVID-19 kahit wala pang approval mula sa Food and Drug Administration (FDA).

Ayon kay Año, hindi niya maaaring pangalanan ang mga ito dahil maaaring malabag niya ang privacy ng mga ito.

Ang mga bakuna ay maaaring gamitin lalo na ng mga health workers at iba pang frontliners dahil sa Emergency Use Authorization (EUA).


Punto pa ng kalihim, pwedeng gamitin ang bakuna para sa health workers at frontliners kahit hindi pa ito pormal na naaaprubahan ng FDA.

Sinabi rin ni Año, hindi pa natuturukan si Pangulong Rodrigo Duterte ng COVID-19 vaccine.

Hindi rin ipinag-utos ng Pangulo sa PSG personnel o sa mga sundali na magpaturok ng bakuna.

Sinabi naman ni FDA Director General Eric Domingo na ‘personal choice’ ng mga tao kung gusto nilang magpabakuna ng hindi rehistradong bakuna.

Sa ngayon, ang Pfizer-BioNTech pa lamang ang nag-a-apply para sa EUA para sa bakuna nito.

Facebook Comments