Pagpapabakuna sa Category A4, inumpisahan na sa Parañaque City

Umarangkada na sa Parañaque City ang pagpapabakuna sa kategorya ng A4 economic frontliners o mga manggagawa na nasa essential sectors at mga uniformed personnel kagaya ng mga nagtatrabaho sa palengke, transport sector, bangko, at groceries.

Ayon kay Parañaque City Mayor Edwin Olivares, patuloy ang ginagawang pagbabakuna ng mga nasa ilalim ng A1 (health workers), A2 (senior citizens), A3 (persons with comorbidities), pero handa na rin sa pagbabakuna ng mga nasa kategorya ng A4 o mga indibidwal na pinapayagan na lumabas sa kanilang tirahan, na may kaugnayan sa kanilang trabaho o propesyon gaya ng mga gwardya, mga tindero sa palengke, at empleyado ng bangko.

Ginanap ang pagpababakuna sa SM City Sucat na pinangunahan ni Dra. Oliga Virtusio ang Parañaque City Health Officer.


Facebook Comments