Pagpapabakuna sa health workers, sisimulan ngayong buwan

Unang isasalang sa vaccination laban sa COVID-19 ang mga healthcare workers at medical frontliners kapag dumating na ang mga bakuna sa kalagitnaan ng Pebrero.

Ayon kay Testing Czar Vince Dizon, inaasahang darating sa bansa ang 117,000 doses ng Pfizer Vaccines ngayong buwan at 5.5 hanggang 9 million doses mula sa AstraZeneca sa katapusan ng buwan.

Mahalagang mabakunahan agad ang mga health workers at medical frontliners para matiyak na protektado sila mula sa COVID-19 ay mababawasan ang transmission.


Binigyang diin din ni Dizon ang kahalagahan ang “vaccination confidence” para magtagumpay ang immunization program.

“Vaccination confidence is the most crucial part of this entire program and as we roll out this February, showing that our healthcare workers are the ones who will initially receive this. I think will boost confidence tremendously, not just for healthcare workers, but for everybody,” ani Dizon.

Target ng national government na makapagbigay ng libreng bakuna sa 15 hanggang 17 milyong Pilipino sa una at ikalawang kwarter ng 2021.

Facebook Comments