Pagpapabakuna sa mga Aso, Muling ipinaalala ng Santiago City Veterinary Office!

*Santiago City- *Muling ipinapa-alala ng Santiago City Veterinary Office sa mga residente ang pagpapabakuna sa kanilang mga alagang aso bago pa matapos ang taong 2018.

Ito ay kaugnay parin sa target ng naturang tanggapan na makapagtala ng zero rabies cases sa susunod na taon.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Dr. Solomon Maylem, ang pinuno ng City Veterinary Office ay muli nitong ipinaalala at hinikayat ang mga Santiagueños na dapat magtungo na sa kanilang tanggapan upang pabakunahan ang mga alagang aso.


Kaugnay nito ay maglalagay umano ng color coding tags ang naturang tanggapan upang mas madaling makilala ng mga nagmamay-ari ng aso kung sakaling makawala.

Samantala, mahigpit ngayon ang tanggapan ng City Veterinary Office sa panghuhuli ng mga ashtrey animals upang maiwasan ang mga pakalat-kalat na hayop lalo na sa mga pangunahing lansangan ng Lungsod ng Santiago.

Facebook Comments