Pagpapabakuna sa panahon ng pandemya, isinulong ng mga medical expert

Hinimok ng isang grupo ng mga doktor ang publiko na sumailalim sa pagpapabakuna para lalong labanan ang influenza sa panahon ng pandemya ng Coronavirus Disease 2019.

Sa isang webinar na ginawa ng University of the Philippines (UP) College of Medicine na inorganisa ng Mu Sigma Phi Medical Sorority at ng Dr. Salvacion R. Gatchalian Memorial Webinar Lecture Series in Pediatrics, kanilang idiniin ang kahalagahan ng pagpapabakuna.

Ayon kay Dr. Regina Berba ng UP-Philippine General Hospital (PGH), ang influenza ang kadalasang nauuwi sa mga sintomas ng pagkalat ng virus lalo pa at walang sapat na kaalaman ang publiko kung paano labanan ito.


Sa pag-aaral ng World Health Organization (WHO), malaki ang ibinaba ng mga nagpapabakuna sa Pilipinas na mula sa 87% noong 2016 ay bumagsak ito sa 68% nitong 2019 na nagresulta sa polio at tigdas outbreak sa bansa noong nakaraang taon.

Paliwanag ni Berba, karaniwan sa mga tao ay halos takot magtungo sa mga ospital para magpabakuna kontra influenza kung kaya’t humihina ang immune system ng mga ito.

Dahil dito, inilunsad ng UP College of Medicine – Mu Sigma Phi Medical Sorority ang COVIDgilance na isang webinar lecture, na may tatlong bahagi ng immunization series at humihikayat sa publiko na ibalik ang tiwala sa bakuna.

Facebook Comments