Pagpapabakuna, tugon sa pangamba para sa kalusugan ng mga batang lalahok sa face-to-face classes

Aminado si Committee on Health Chairman Senator Christopher ‘Bong’ Go na maging siya ay may takot kapag kapakanan na ng mga bata ang pag-uusapan.

Pero giit ni Go, andiyan ang bakuna para mapawi ang takot at mabigyan ng proteksyon ang mga bata laban sa COVID-19.

Sinabi ito ni Go makaraang aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Department of Education (DepEd) na magsagawa ng pilot test ng face-to-face classes sa mga low-risk areas.


Ayon kay Go, bukod sa hindi pa bakunado ang mga bata ay hindi rin kontrolado ang mga galaw nila kaya baka mag-back to zero na naman tayo sa sitwasyon kaugnay sa COVID-19.

Kaya naman hinihikayat ni Go ang mga magulang na bakunahan na ang kanilang nga anak na edad 5 hanggang 11 taong gulang.

Apela pa ng senador, huwag natin sayangin ang oportunidad na proteksyunan ang mga bata mula sa sakit sa pamamagitan ng pagpapabakuna.

Facebook Comments